-- Advertisements --

Itinuturing ng Philippine Azkals na isang aral ang mga pagkatalo nila sa mga friendly games na kanilang sinalihan sa Doha, Qatar.

Sinabi ni Barae Jrondi ang bagong coach ng Azkals na kanilang pinag-aralan ang ilang mga pagkukulang.

Magugunitang unang tinalo sila ng Kuwait sa score na 2-0 at Jordan na 4-0.

Paliwanag pa ng Azkals coach na kanilang isinabak ang lahat ng manlalaro para makita ang mga potensiyal nila sa paglalaro.

Pagtitiyak niya na sa mga susunod na exhibition games na kanilang dadaluhan ay mababago na ang ilang diskarte na ipapagana nila.