-- Advertisements --

Nagwagi ang Philippine Azkals laban sa Nepal 1-0 sa kanilang friendly game na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.

Ang nasabing panalo ay isang magandang simula sa pagbabalik ng kanilang coach na si Hans Michael Weiss.

Tanging si Jarvey Gayoso ang nakapagtala ng goal sa Azkals sa loob ng 49 minuto para maitala ang unang panalo ng koponan ngayong 2023.

Naging susi rin sa panalo si Azkals goalkeeper Patrick Deyto na siyang pumigil sa makailang beses na pagtatangka ng Nepal na maipasok ang goal.

Surpresa ring naglaro si Stephan Schrock sa loob ng 71 minuto.

Ito ang unang pagkakataon na naglaro si Schrock matapos ang anim na buwan ng ianunsiyo niya ang kaniyang pagreretiro ng matapos ang 2022 AFF Mitsubishi Electric Cup.

Susunod na makakaharap ng Azkals ang Chinese Taipei sa araw ng Lunes sa Rizal Memorial Stadium.