Pasok na sa semis ng Copa Paulino Alcantara ang Azkals Development Team (ADT) matapos pahiyain ang Mendiola FC.
Ang torneyo ay ginaganap sa PFF Training Center sa Carmona, Cavite.
Naitala rin ng Azkals ang kanilang best game sa prestihiyosong Cup tournament na tinapos ang preliminary campaign na hawak ang 1-0-1 win-draw-loss card.
Matapos ang 16 minute tug-of-war, naka-iskor ang ADT matapos pumasok ang penalty kick ni Jarvey Gayoso sa ika-16 na minuto.
Dinagdagan pa ito ni Dennis Chung sa ika-30 minuto at ng mga defenders na sina Mar Diano at Christian Rontini at naiposte ang 5-0 lead sa unang half.
Tuloy-tuloy na ang pag-arangkada ng koponan sa ikalawang half at tinambakan pa ang Mendiola FC sa score na 9-0.
Makakasagupa ng koponan ang top seed sa Group A top na Stallion Laguna FC sa Nobyembre 16.