-- Advertisements --

Posibleng sa darating na Biyernes na sisimulang ipamahagi ang ayuda sa mga residente ng Metro Manila, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Ito ay may kaugnayan sa desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kamakailan na ilagay sa enhanced community quarantine ang National Capital Region mula Agosto 6 hanggang 20.

Sinabi ni Año na P11.2 billion ang nakalaan para sa financial aid sa 10.7 million katao sa NCR, na tatanggap ng tig-P1,000.

Iginiit ng kalihim na mahalagang maibigay sa lalong madaling panahon ang ayudang ito sa mga beneficiaties na didipende pa sa ilalabas na lisatahan ng local government units.

Nakasalalay na rin sa LGUs ang diskarte kung sa anong pamamaraan ipapahatid ang ayudang ito tulad ng pagtatakda na lamang ng distribution points, house-to-house, o sa mga transmittance centers.