-- Advertisements --

Sisimulan na sa susunod ng linggo ng Department of Agriculture (DA) regional 2 ang pamamahagi ng fuel discount card sa mga benepisyaryong magsasaka

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2 na mayroong 16,811 farmer beneficiaries allocation sa region 2.

Ayon kay Regional Executive Director Edillo na ang mga inihain ng mga LGUs na farmers beneficiaries ay isasailalim sa validation ng Regional Agriculture Engineering Division upang matiyak kung buhay pa ang mga magsasakang may-ari ng makina tulad ng mga traktor, combined harvester at waterpump.

Matagal na anyang inihain ang pangalan ng mga magsasakang bepepisyaryo kaya kailangang matiyak na buhay pa ang mga mabibigyan ng fuel discount card.

Mayroon anyang 6,000 magsasakang na ipinadala sa information Center sa DA central Office at may 1,300 na handa na para sa distribution .

Noong May 20, 2022 ay dumalaw anya si DA Secretary William Dar sa Iguig, Cagayan kung saan nagpamigay ng Fuel Discount Card sa mga bayan ng Iguig at Solano.

Mula sa 1,300 Fuel Discount card na handa nang ipamahagi ay mapupunta 623 farmer beneficiaries sa Cagayan; sa Isabela ay 581; sa Nueva Vizcaya ay 20 at sa Quirino ay 76 .

Mula anya sa 16,811 farmers beneficiaries allocation sa region 2 ay pinakamarami ang Isabela na 8,633 farmer beneficiaries sa Cagayan ay mayroong 6,274 ; sa Quirino ay mayroong 1,204 at sa Nueva Viacaya ay mayroong 700

Ang mga hindi pa maipapamigay ay kasalukuyan pa rin ang validation and clearing .

Ang mga hindi pa maipapamigay ay kasalukuyan pa rin ang validation and clearing .