-- Advertisements --

Matapos subukang manggulo ng ilang kabataang raliyista sa Ayala Bridge nitong Linggo ng hapon Setyembre 21, agad na nagsagawa ng flushing at clearing operations ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Department of Public Services (DPS) upang linisin ang lugar.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ilang nagpoprotesta ang naghagis ng malalaking bato, basag na bote, at iba pang basura, sa Police District (MPD) na naka-deploy sa lugar.

Kasama rin sa mga nilinis ang Liwasang Bonifacio matapos ang mga aktibidad kaugnay ng anti-corruption protest.

Tiniyak ng alkalde na patuloy ang pagbabantay at pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod.