-- Advertisements --
Posibleng sa susunod pa na linggo bago makapaglagak ng piyansa para pansamantalang makalaya ang actor na si Awra Briguera.
Ayon sa Southern Police District, na kahit na sumailalim na ito sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office ay maari lamang siya makapaglagak ng piyansa kapag ang kaso nito ay nai-raffle na sa korte.
Sa nasabing pag-raffle ng kaso ay para malaman kung saang korte isasagawa ang pagdinig sa nasabing kaso nito.
Kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ito ngayon ng Makati City PNP.
Magugunitang nasangkot sa rambolan ang actor na si McNeal Briguela nitong umaga ng Huwebes sa isang bar sa lungsod ng Makati.