Umaasa ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na tutugon ang Commission on Elections (Comelec) sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan na ang technical provider tuwing halalan na Smarmatic.
Ayon kay Lito Averia, national treasurer ng NAMFREL, magsilbi sanang mitsa para sa mga stakeholders na isulong din ang amiyenda sa Automated Election Law.
Nanawagan ito sa election lawyers, IT experts at mga election advocates na makipagtulungan sa Comelec para maghanap ng solusyon sa teknolohiya.
Sa kanyang talumpati sa Japan hinimok ni Duterte ang Comelec na palitan na ang Smartmatic at maghanap ng ibang contractor na walang bahid ng pandadaya.
Ito’y kasunod ng kabi-kabilang aberya na naranasan nitong nagdaang halalan na nag-resulta sa pitong oras na glitch sa transparency server ng poll body.
Taon 2010 nang i-award ng gobyerno sa Smartmatic ang kontrata kasabay ng kauna-unahang automated elections sa Pilipinas.