-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Bombo international correspondent Michael Garlan direkta mula sa Austria na sa ngayon ay wala pang nakapasok na Omicron variant ng COVID-19 sa bansang kanyang pinagtatrabuhan.

Ito ay sa kabila na usa ang Austria sa mga bansa na nasa red list ng European Union, United Kingdom, at Estados Unidos.
Sa ekskluksibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Garlan na base sa pag-aaral ng kanilang mga pathologists, aabot pa ng isa hanggang dalawang linggo bago ito makakapasok sa kanilang bansa lalo na’t may naitala ng kaso nito sa kanilang mga kalapit-bansa gaya ng Belgium at Switzerland.

Aminado si Garlan na araw-araw simula noong ipinatupad ang lockdown nitong Nobyembre a-22 na tatagal hanggang Disyembre a-13, tumataas ang mga kasong naitatala sa kanilang bansa na nag-a-average na ng 7-libo mula sa 15-libo araw-araw noong hindi pa ipinatupad ang lockdown na tatanggfalin lang kung bababa na ang mga kaso ng coronavirus.

Ilalim sa lockdown, walangpapayagang makakapasok sa Austria mula sa ibang mga malalayong bansa dahil sarado ang kanilang mga airports maliban lamang sa kanilang mga kalapit na bansa.

Dahil sa paglitaw ng Omicron variant, inilunsad ng pamahalan ang booster shots lalo na noong lumabas sa pag-aaral na mas makakahawa ito kung ikumpara sa ibang mga variants gaya ng Alpha, Delta at Beta variants.

Siya mismo ay kanina pa lang naturukan ng booster shot.

Base sa kanyang naranasan, mas makakabuti ang pagpabakuna dahil titibay ang immune system lalo na ngayong winter seasn na sa nasabing nasud kungsaan uso ang winter flu.