-- Advertisements --
Pinatawan ng $7,500 na multa si Australian tennis player Nick Kyrgios dahil sa pagdudura at pagmumura.
Naganap ang insidente sa kaniyang panalo sa ikalawang round ng US Open laban kay Benjamin Bonzi ng France.
Sa gitna ng laro nito kasi ay patuloy ang pananalita ni Kyrgios kung saan pagdating ng ikaapat na set ay doon nagkaroon ng mga pagkakamali kaya nakapagdura at minura pa ang isang audience.
Una ng inireklamo pa ng Australian tennis player na tila amoy cannabis ang Louis Armstrong Stadium kung saan ikinakabahala nito na baka lumala ang kaniyang asthma.
Itinuturing na ito ang pinakamalaking multa na ipinataw ng organizers sa isang manlalaro.