-- Advertisements --

Nasa bansa na si Australian Prime Minister Anthony Albanese.

Lumapag ang sinakyan nitong eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa lungsod ng Pasay nitong gabi ng Huwebes.

Inaasahan na ngayong araw ay makakapulong niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Malacañang.

Si Albanese ay siyang unang prime minister ng Australia na bumisita sa bansa mula pa noong 2003.

Ilan sa mga maaring talakayin nina Pres. Marcos at Prime Minister Albanese ay ang mahigpit na koordinasyon ng dalawang bansa kabilang ang defense and security, trade, economic development at maritime affairs.