-- Advertisements --
Maagang nagpaalam sa 2026 French Open ang Australian Open champion na si Elena Rybakina.
Nadapa ang tennis star sa ikalawang round matapos siyang talunin ng unseeded Ukrainian player na si Yuliia Starodubtseva.
Hawak pa ng world No. 2 ang one-set lead sa simula ng laban ngunit hindi niya ito nadepensahan hanggang sa huli, kaya’t nanaig si Starodubtseva sa score na 3-6, 6-1, 7-6(4).
Ito ang unang pagkakataon mula noong 2024 Australian Open na muling nakaranas si Rybakina ng second-round exit sa isang Grand Slam tournament.
Samantala, dahil sa panalo ay umusad si Starodubtseva sa Round of 16, kung saan haharapin niya ang Chinese star na si Wang Xiyu.














