-- Advertisements --
May isang torneo pa kung saan sasabak si Pinay tennis star Alex Eala bago ang pagsabak niya sa French Open.
Nakatakda kasi ito ng maglaro sa Internationaux de Strasbourg na magaganap mula Mayo 17 hanggang 23 sa France.
Nasa qualifying round pa rin ang 20-anyos na Pinay sa WTA 500 event na maituturing niyang warm-up bago ang French Open na magaganap sa Mayo 24 hanggang Hunyo 7.
Ang Strasbourg tournament ay kinabibilangan ng 28 player singlesmain draw na nagsimula noong 1987.














