-- Advertisements --

Muling umangat ang ranking ni Pinay tennis star Alex Eala.

Base sa inilabas na ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) na sa pang-38 na na ito mula sa dating pang-42.

Mayroon na itong kabuuang 1,340 points kung saan nakakuha ito ng 55 points matapos na makaabot siya ng ikatlong round ng clay tournament.

Magugunitang noong Marso ay naabot ng 20-anyos na si Eala ang career-best na ranked 29 bago bumaba ang ranking ng mabigo ito sa Miami Open.

Nakatakdang sumabak si Eala sa WTA500 Strasbourg kung saan makakaharap niiya sa world number 66 na si Oleksandra Oliynyka.

Pagkatapos nito ay sasabak siya sa French Open na magsisimula mula Mayo 24 hanggang Hunyo 7.