Nasa ligtas nang kalagayan ang Australian national na dinukot ng mga suspek na Chinese nitong May 27 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 1.

Ayon kay Lt. Col. Elmer Cereno, spokesperson ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG), na rescue ng kanilang mga operatiba ang biktima na si Jianting Chen, nitong May 28 ng gabi.

Ito’y matapos mamataan ang isa sa mga suspek sa entrance ng Resorts World Casino sa Pasay.

Nabatid na may utang na P500,000 ang biktima sa isang grupo ng mga Chinese.

Ginamit umano ng biktima ang pera sa pangsugal pero ito ay natalo kaya dinukot ng mga Chinese.

Nanghingi ng P90,000 na ransom ang mga Chinese sa asawa ng biktima pero hindi ito naibigay.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang Australian Embassy Federal Police sa PNP na agad namang nagsawa ng surveilance operation.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng AKG ang isa sa mga suspek na si Meng Lei na nahaharap sa kasong kidnapping for ransom with serious illegal detention.