-- Advertisements --
image 323

Ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang plano ng Australian military na pagbili ng Canberra’s nuclear-powered submarines mula sa Washington.

Ito ay matapos na tawagan ni Australia’s Chief of Defense Force Gen. Angus Campbell si Philippine military chief Gen. Andres Centino noong Lunes, Marso 13 bago ang nakatakdang paglulunsad ng submarine deal sa San Diego, California sa isang seremonya na pangungunahan ni US President Joe Biden, Australian Prime Minister Anthony Albenese at UK Prime Minister Rishi Sunak bilang bahagi Australia-UK-US (AUKUS) pact para mapanatili ang stability sa Indo Pacific region.
Ang Pilipinas ang isa lamang sa mga unang bansa sa rehiyon na nagpahayag ng suporta para sa security pact na pinagtibay noong 2021.

Ayon naturang phone call naman sa pagitan ng Australia military chief at Philippine counterpar nito ay pagmark sa matatag na military coordination sa pagitan ng Pilipinas at Australia bilang partners sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa South Pacific region.