-- Advertisements --
KALIBO, Aklan—Inaasahan ang pagdating sa Pilipinas ni Australian Foreign Minister Penny Wong, ngayong araw ng Lunes upang paunlakan ang imbitasyon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo.
Sinabi sa Bombo Radyo Kalibo ni Bombo International Correspondent Denmark Suede na ilan sa posibleng pag-uusapan ng dalawang opisyal ay ang bilateral talk kaugnay sa aktibidad ng China sa West Philippine Sea at ang bilateral trade agreement.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Wong sa bansa mula nang maupo sa pwesto noong Mayo 2022 kasunod sa eleksyon ng Prime Minister Albanese’s Labor Government.
Si Wong ay mananatili sa bansa ng dalawang araw mula Nobyembre 14-15.