Pinili ng isang Australian firm ang Pilipinas na maging unang lokasyon sa mundo para sa commercial operation ng waste-to-fuel project.
Sa concept paper nito para sa proyekto nito sa Pilipinas, sinabi ng Cyclion Holdings na nais nitong iproseso ang 900 tons per day (TPD) ng municipal solid waste (MSW) upang makagawa ng 52 milyong litro kada taon ng diesel at iba pang gasolina.
Nilagdaan ng nasabing kumpanya ang isang memorandum of understanding (MOU) kasama ang National Development Company (NDC) noong nakaraang Lunes sa pagbisita ni Trade Secretary Alfredo Pascual para sa 6th Philippine-Australia Ministerial Meeting.
Sinabi ng National Development Company na ang kasosyo nito ay unang nagtataas ng $5 milyon para tustusan ang pagtatayo ng pilot plant sa huling quarter ng susunod na taon.
Ito ay magkakaroon ng kapasidad na magproseso ng 50tons per day ng solid waste.
Sinabi ni NDC General Manager Anton Mauricio na kanialang pinag-aaralan ang $2.5-milyong pamumuhunan para sa pilot plant.
Una na rito, nabatid ng mga awtoridadd na ang Quezon City, Manila at Caloocan ang hotspots para sa proyekto, batay sa mga basurang nagagawa ng mga nasabing lungsod sa isang araw.