-- Advertisements --

Pinuri ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang Australian-designed military drone na gumagamit ng artificial intelligence technology para targetin ang sinomang kaaway ng bansa.

Ito ang kauna-unahang military plane na dinesenyo at ginawa ng Australia sa loob ng mahabang panahon.

Dinevelop ang tinaguriang “Loyal Wingman” ng Royal Australian Airforce (RAAF) katuwang ang US manufacturer na Boeing.

Ang unmanned drone na ito ay kayang lumipad ng may 3,700 kilometrong layo at inaasahan na isasabak na rin ito sa laban kasama ng mga manned aircraft tulad ng Joint Strike Fighters.

Sinimulan naman ngayong araw ang ground testing para sa working prototype ng Loyal Wingman sa pamamagitan ng taxi habang ang flight tests naman nito ay planong gawin bago matapos ang 2020.

Nagbahagi ng $40 million o halos 2-trillion pesos ang Federal government upang maging matagumpay ang pagsasagawa sa naturang proyekto.