-- Advertisements --
Nakatakdang makiisa ang bansang Australia sa gagawing Malabar naval exercises sa Indian Ocean ng India, United States at Japan sa susunod na buwan.
Ito ang kauna-unahang beses na sasali ang Asutralia sa tinaguriang “Quad.”
Ang hakbang na ito ay inaasahang magpapalakas sa military relationship ng apat na bansa at paigtingin pa ang tensyon laban sa China.
Sinimulan itong gawin noong 1992 upang palawakin pa ang matagal nang pangako ng US Navy na bantayang mabuti ang mga banta laban sa maritime security ng Indo-Asia Pacific.
Ang Quad o Quadrilateral Security Dialogye ay isang informal strategic forum para sa US, Japan, Australia, at India kung saan tampok dito ang semi-regular summits at pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng apat na bansa.