-- Advertisements --
Hiniling ng Australia ang China na imbestigahan ang paggamit umano nila ng laser para masilaw ang piloto ng Australian jets.
Sinabi ni Australian Prime Minister Scott Morrison na isang delikado at nakakabahala ang ginawang ito ng warship ng People’s Liberation Army Navy.
Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng normal surveillance ng Australian fighter jet sa Exclusive Economic Zone.
Pinabulaanan naman ito ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin ang alegasyon na ito ng Australia.
Hinikayat pa nila ang Australia na irespeto ang lehitimong rights ng Chinese vessels na naglalayag sa international laws.