-- Advertisements --

Gagastos ang Australia ng $580 milyon para sa mga military upgrades nito.

Sinabi ni Prime Minister Scott Morrison na kabilang sa kanilang i-uupgrade ang apat na northern military bases at para mapalawig ang war games nila ng US.

Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng alitan ng Australia sa China.

Dagdag pa nito na kailangan nilang palakasin ang military assets sa Northern Territory para agad na makapagresponde sa anumang tension na nagaganap sa Asia-Pacific region.