-- Advertisements --
Plano ng Australia na bumili ng limang US nuclear-powered submarines ang Australia.
Ito ang naging kasunduan sa pulong nina US President Joe Biden, British Prime Minister Rishi Sunak at Australian Prime Minister Anthony Albanese sa US naval base sa San Diego, California.
Bukod sa pagbili ay magtatayo rin sila ng bagong modelo ng submarine na gawa ng US, British at Australia.
Ang nasabing pagpapalakas ng puwersa nila ay para matapatan ang ginagawang pagpapalakas din ng China ng kanilang puwersa sa Asia-Pacific region.