-- Advertisements --
Tiniyak naman ni US Defense Secretary Lloyd Austin na hindi magpapatalo ang US sa anumang pag-atake ng mga Iran-backed groups.
Ito ay bilang paraan nila na pagganti sa ginawang drone attacks ng Iran-militants sa kanilang kampo sa Jordan na ikinasawi ng dalawang sundalo ng US.
Dagdag pa ni Austin na noong pang Oktubre ng nakaraang taon ay mayroong 160 na mga pag-atake sa US at mga kaalyadong bansa nito na nakabase sa Iraq at Syria.
Magugunitang tiniyak sa kanila ni US President Joe Biden na hindi palalampasin ang ginawa na ito ng Iran at kanilang gagantihan ang mga ito.








