-- Advertisements --

Nakahanda na umano ang local government ng Aurora kaugnay sa inaasahang pananalasa ng bagyong Rolly.

Sinabi ni Aurora Governor Gerardo Noveras, nagpulong na ngayong araw ang disaster response council ng Aurora na dinaluhan ng mga pangunahing ahensya ng gobyerno para paghandaan ang pag-landfall ng bagyo sa kanilang lugar.

Kabilang sa dumalo ang mga kinatawan ngDepartment of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Army, Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard.

Inihayag naman ng DPWH na nakapag-preposition na sila ng mga heavy equipment sa mga estratehikong lugar sa mga national roads sa sandaling magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga daan.