-- Advertisements --

Bahagyang nabawasan ang lakas ng tropical storm Auring sa nakalipas na magdamag.

Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, naapektuhan ito ng malamig na hanging umiiral sa ating bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 475 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Halos hindi naman ito umalis sa kaniyang lokasyon sa nakalipas na mga oras.

Habang taglay ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Negros Oriental, Bohol at Siquijor; Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon at Lanao del Sur.