-- Advertisements --
Inilipat sa solidarity confinement sa isang kulungan ang pinatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Mula kasi noong nakaraang taon ng mapatalsik ang 77-anyos na Nobel Peace Prize winner dahil sa kudeta ay naka-house arrest na siya sa Naypyidaw.
Sinabi ni junta spokesman Zaw Min Tun, na gaganapin na lamang ang mga pagdinig sa kaso nito sa loob ng bagong tayong korte sa loob ng prison compound.
Hindi na ito sinamahan ng kaniyang mga staff at alagang aso ng ilipat sa solidarity confinement.










