-- Advertisements --

Naging sanhi ng karambola ng ilang sikilista na kalahok ng Tour de France ang pagse-selfie ng isang audience.

Naganap ang insidente sa stage 15 ng tour de France kung saan nasa 20 sikilsta ang nasangkot sa karambola.

Base sa imbestigasyon ay bigla na lamang sumulpot ang isang audience na magse-selfie sana sa mga dumaraang siklista at siya ay nasagi nito.

Mabilis namang nakabalik ang mga siklista sa karera sa 179 kilometer stage kabilang na si 2019 champion Egan Bernal.

Nagpaalala ang mga organizers ng karera sa mga audience na huwag mag-ingat sa mga paggalaw tuwing may dumaraan na sikilista para hindi na maulit ang pangyayari.

Hindi lamang ito ang unang insidente dahil noong 2021 ng isang babae ang biglang sumulpot sa dinadaanan ng mga siklista na naging sanhi rin ng karambola