-- Advertisements --
Nabiktima ng mga kawatan ang actress na si Aubrey Miles habang ito ay nagbabakasyon sa Paris.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang hindi magandang karanasan nito.
Nakuha umano sa kaniya ang designer bag na bagong bili niya.
Idinaan na lamang niya sa photoshoot ang nasabing negatibong pangyayari sa kaniya.
May mga caption itong inilagay na ang nasabing photoshoot niya ay para sa mga mandurkot.
Magugunitang ikinasal ang actress kay Troy Montero noong Hunyo at sila ay nasa Europe para sa kanilang honeymoon.