-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kontrobersiyal na abogado na si Atty. Larry Gadon bilang kaniyang adviser on poverty alleviatioin.
Sinabi ni Press Secretary Cheloy Garafil na ang pagkakatalaga kay Gadon ay dahil sa kaniyang kakayahan na harapin ang anumang hamon sa bansa.
Mahalaga ang kaniyang puwesto na magbibigay payo sa Pangulo sa polisiya para labanan ang kahirapan.
Bilang adviser on poverty alleviation ay makikipag-ugnayan si Gadon sa mga ahensiya ng gobyerno at mga organisasyon ng gobyerno ganun din ang ilang stakeholders para gumawa at ipatupad ang programa para labanan ang pinakasanhi ng kahirapan sa bansa.