-- Advertisements --

Plano ng Internatioanl Atomic Energy Agency (IAEA) na maglagay ng permanenteng presensya sa Zaporizhzhia nuclear power plant.

Sinabi ni Rafael Grossi, na ang pakay nila sa nasabing planta ay pawang teknikal dahil nais nilang matiyak na walang damyos nag nuclear plant na magdudulot ng radiation.

Kanila munang kakausapin ang mga empleyado ng planta para malaman ang kanilang kalagayan.

Aminado ito na napakadelikado ang kanilang misyon na magtungo sa nasabing planta.

Magugunitang sinakop ng Russia ang planta kung saan inakusahan sila ng Ukraine na ginagamit nila itong panangga para hindi makaganti sa ginagawa nilang rocket attack.