Ipinagkaloob na ng U.S. Supreme Court ang kahilingan ni U.S. President Donald Trump na magpatupad ng bagong panuntunan na maglalayong pigilan ang lahat ng asylum applications ng mga immigrants sa U.S.-Mexico border.
Base sa ruling na inilabas ng korte, kinakailangan ng mga migrants na maghanap muna ng kanilang ligtas na matutuluyan sa ibang bansa bago ito payagan makapasok ng Estados Unidos.
Nagsilbing tagumpay ang desisyong ito ng higher court para sa kampo ni Trump matapos ilang beses na ibasura ng lower court ang ilan sa kaniyang mga immigration agenda na inihanda.
Sa ilalim ng naturang panuntunan na ito ay mapipigilan na ang halos lahat ng migrants na mag-apply ng asylum sa southern border. Patunay lamang ito ng isa na namang matagumpay na ideya ng Trump administration upang mapababa ang bilang ng mga illegal immigrants na nakakapasok sa bansa.