-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na nakalatag na ang mga tulong, ayuda, mga pagkain, blankets at mga resettlement areas para sa mga kababayang naapektuhan ng 6.6 magnitude na lindol sa Masbate kaninang umaga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, dahil sa dami ng mga natural calamities na tumatama sa bansa, mayroon nang mga naka-preposition na ayuda at humanitarian assistance para sa mga ganitong sakuna.

Ayon kay Sec. Roque, dadagdagan ng pamahalaan ang mga pangangailangan at maipaaabot na tulong sa lalong madaling panahon.

Samantala, nang tanungin naman kung tutungo ba si Pangulong Rodrigo Duterte para personal na alamin ang pinsalang iniwan ng lindol, inihayag ni Sec. Roque na walang dudang nais magpunta doon ang pangulo pero ang problema ay kung papayagan ba ito ng Presidential Security Group (PSG).