aso with 3 kittens Laoag

LAOAG CITY – Usap-usapan pa rin ang panganganak umano ng aso ng tatlong kuting sa Sitio 4 Barangay 55-C Vira sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Ms. Perpetua Pascual, may-ari sa nasabing aso na pinangalanan niyang si “beauty,” nagulat siya matapos makita na walang ipinagkaiba sa pusa ang ipinanganak ng kanyang alaga.

Kuwento ni Pascual na noong buntis pa lamang ang kanyang aso ay naoobserbahan niya na tila palaging galit ito sa mga pusa.

Dagdag ni Pascual na may ilan ding nagsasabi na baka may nanganak na pusa at kinuha lamang nila pero tiniyak nito na ang mga ito ay ipinanganak talaga ng kanyang alagang aso.

Samantala, hindi rin maipaliwanag ng isang veterinarian kung paano nanganak ng kuting ang isang aso.