Inanunsyo ng singer na si Regine Velasquez ang kanyang concert na mangyayari sa susunod na taon na tinawag niyang ‘SOLO’ at gaganapin sa Circuit Performing Arts Theater.
Ang kanyang solo show na may live audience ay mangagayri sa magkasunod ng araw ng Pebrero 17 at 18 at susundan sa 24 at 25.
Dagdag ng Asia’s songbird na ang mga ticket sa show ay magiging available na ngayong November 30 ngayong taon.
At ang halaga ng ticket ay nagmumula sa P11,200 para sa VIP na may meet and greet hanggang P1,120 para sa upper box.
Matatandaan na bago siya magkroon ng solo concert ay nakipag sanib pwersa muna ang singer sa ilang beteranong mangaawit o ang mga music icons sa bansa.
Kabilang na si Megastar Sharon Cuneta na huli niyang nakasama sa live-venue concert sa Mariott Grand ball noong June 2022 at ang Pop star princess na nakasama niya sa concert na ‘Unified’ sa Araneta Coliseum noong 2020 kasagsagan pa ng lockdown.