-- Advertisements --
image 724

Sa likod ng magandang performance, bigong maipanalo ni Filipino Tennis star Alex Eala ang Women’s Singles Semifinals, laban sa Asia top seed na si Zheng Qinwen.

Sa pagtutuos ng dalawang bigating tennis star, hindi natumbasan ni Eala ang liksi ni Qinwen, daan upang maungusan siya ng Chinese star.

Nagtapos ang unang set sa score na 1 – 6.

Nagawa naman ni Eala na bumangon sa ikalawang set sa pamamagitan ng 7 – 6 ngunit sa naging deciding set ay nanaig pa rin ang pambato ng China sa score na 3 – 6.

Gayonpaman, hawak pa rin ni Eala ang Bronze medal, na siyang ikaapat na bronse ng Pilipinas.

Ito na ang kaun-unahang paglalaro ni Eala sa Asian Games.