Sumuko kagabi sa militar ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf na follower ni ASG sub-leader Asbi Misuari alias Imbo na una ng sumuko sa militar.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander BGen. Cirilito Sobejana, ang pagsuko ng nasabing ASG member ay sa pamamagitan ng joint efforts ng 545 ECB, 54EBDE at Philippine Coast Guard sa may bahagi ng Tingkil, Sulu.

Kinilala ni Sobejana ang sumukong ASG member na si Hussin Aranain alias Friend. Isinuko din ni Aranan ang isang M16A1 rifle, magazines at ammunition.

Inihayag ng heneral na nagdesiyong sumuko sa gobyerno si Aranain dahil nais na niyang mamuhay ng normal at makasama ang kaniyang pamilya.