Arestado ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa provinsiya ng Sulu, kagabi May 19,2018 bandang alas-7:00 ng gabi sa may Serrantes St. Brgy. Walled City, Jolo, Sulu.

Kinilala ni PRO-ARMM regional police director PCSupt. Graciano Mijares, ang naarestong bandido na si Hashim Abtaib alias Abu Imam.

Sinabi ni Mijares, ang pinagsanib na pwersa ng PNP Regional Intelligence group, Sulu PNP at ang 501st Brigade ng Philippine Army ang umaresto sa nasabing bandido.

Naaresto si Abtaib sa isinagawang joint law enforcement operations ng PNP at AFP.

Dinala na ngayon sa PRO-9 sa Zamboanga City ang naarestong bandido para sa kaukulang imbestigasyon at debriefing.

Sa ngayon, lalo pang pinalakas ng PNP sa ARMM ang kanilang law enforcement operations laban sa mga bandidong Abu Sayyaf at iba pang mga local terrorists group na nag ooperate sa area ng ARMM.