-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang ang asawa ni Gary Valenciano na si Angeli.

Sa Instagram ng maybahay ng tinaguriang “Mr. Pure Energy”, nagpost ito ng mga iba’t-ibang gamit laban sa COVID-19 gaya ng mga sanitizers, vitamins at ibang mga gamot habang ito ay naka-isolate.

Nakasaad pa sa caption nito na isang pagsubok lamang ang nasabing pagpositibo niya sa virus.

Dagdag pa nito na napagdaanan ng kaniyang asawa ang iba’t-ibang sakit gaya ng Tuberculosis, cardiac double bypass/ open heart surgery, Kidney cancer at iba pa.

Ibinunyag pa nito na nagkaroon siya ng scoliosis spine surgery sa Hong Kong noong 1986.

Maging ang isan sa niyang staff na si Vince at kanilang Yaya Myra at kasalukuyang nagpapagaling.

PInayuhan niya ang kaniyang mga followers na ugaliin na sundin ng mahigpit ang ipinapatupad na health protocols para hindi na kumalat pa ang virus.