-- Advertisements --

Patay matapos malason ng heavy metal substance ang asawa ni Ukraine spy chief Lt Gen Kyrylo Budanov na si Marianna.

Ayon sa tagapagsalita ng military intelligence ng bansa na may ilang empleyado rin ang nalason na nakaranas ng iba’t-ibang sintomas.

HIndi naman natukoy kung ang target ng nasabing paglason ay si General Budanov.

Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng nasabing insidente.

Ang nasabing heneral ay siyang nanguna sa military operations laban sa Russia mula ng sumiklab ang labanan noon pang Pebrero 2022.