-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa US ang asawa ni Mexican drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman dahil sa drug trafficking.

Naharang si Emma Coronel Aispuro, 31 sa Dulles International Airport sa labas ng Washington DC.

Sinampahan ito ng kasong conspiracy sa pagpakalat ng cocaine, methamphetamine, heroin at marijuana.

Ayon sa US justice department, na nakatakdang dumalo sa federal court sa DC sa pamamagitan ng video conference si Aispuro.

Magugunitang hinatulan ng life sentence si Guzman sa New York dahil sa drug trafficking at money laundering.

Ang 63-anyos na si Guzman ay siyang namumuno ng Sinaloa drug cartel na siyang pinakamalaking drug suppliers sa US.