CEBU CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos nahuli na nakigpaglive in sa kanyang kalaguyo sa Sitio Piyo Veloso, Barangay Mahawak bayan ng Medellin probinsya ng Cebu.
Kinilala ang nasabing lalaki na si alyas ‘Juan’ 35 anyos at isang construction worker habang ang kalaguyo nito ang si alyas Eva 37 anyos.
Ayon kay Police Corporal Geraldine Areglado, ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) sa Medellin PNP, na humingi ng tulong sa kanilang tanggapan ang asawa ni Juan na si alyas Maria, 33 anyos dahil hindi na umuuwi sa kanila ang kanyang asawa.
May nakapagreport umano sa kanya na may kinakasama na itong iba.
Bago nito nagpaalam umano ang kanyang asawa na pumunta sa nasabing bayan dahil may tatrabahuin ito.
Ngunit nagpaalam umano ulit ito na hindi na muna makakauwi dahil na lockdown ang lugar.
Caugh in the act na nagsasama na si Juan at Eva sa isang bubong nang rumesponde ang pulisya.
Nabatid na may 10 buwang sanggol itong anak.
Mahaharap sa kasong concubinage si Juan at Eva, at paglabag sa RA 9262 o Economic Abuse dahil hindi na rin ito nagsusuporta sa kanyang pamilya.