Bumisita si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa lamay ng kanyang predecessor na si Prospero Nograles.

Si Nograles, 71-anyos, ay nagsilbi sa Kamara ng 15 sa loob ng limang termino.

Sumakabilang buhay siya kahapon dahil sa “respiratory failure, secondary to pneumonia”, ayon sa kanyang anak na si Cabinet Sec. Karlo Nograles.

Sa isang statement, sinabi ni Arroyo na nakikiramay sila pamilya at constituents ng dating Speaker.

Iginiit ni Arroyo na naging “very helpful” si Nograles nang siya ay trade undersecretary pa lamang.

“It was my honor that he was Speaker of the House of Representatives from 2008 to 2010 during my Presidency,” saad ng dating Pangulo.

“I recall how much he was loved, not only by his fellow Congressmen, but just as important, by the staff of the House whose welfare he cared so much about. We will miss him,” dagdag pa nito.