-- Advertisements --

centcom1

Itinuring na “nakaiskor” umano ang Philippine Army Joint Task Force (JTF) Spear laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Guihulngan City, Negros Oriental bago pa man gunitain ng communist terrorist group ang kanilang ika-52nd anniversary sa darating na March 29, 2021.

Sa nasabing operasyon, walong miyembro ng CTGs ang nasawi at nasa 11 mga high-powered firearms at mga improvised explosive device ang nakumpiska ng militar sa encounter site.

Pinuri ni AFP Central Command commander Lt. Gen. Roberto Ancan ang mga operating units sa matagumpay na operasyon na pinangunahan ng mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion sa pamumuno nina 1Lt Montes, 1Lt Panaga; 16th Scout Ranger Company sa pamumuno ni 1Lt Patalinghug; 33rd Division Reconnaissance Company sa pamumuno ni 2Lt Duran.

Nakasagupa ng mga sundalo ang main NPA guerilla fighters ng Negros-Cebu-Bohol-Siquijor Front kung saan tumagal ito ng tatlong oras.

Walong NPA guerilla members ang nasawi sa labanan na kasalukuyang tinutukoy na ang mga pagkakakilanlan.

Walang naiulat na casualties sa hanay ng mga sundalo.

“We call on the NPAs to lay down their arms of face the same fate of those who were killed fighting for a lost cause based on a false belief fed to them by their leaders who are enjoying life in the cities,” pahayag ni Lt.Gen. Ancan.

Pinasalamatan naman ni Lt.Gen. Ancan ang mga local chief executive ng Guihulngan City, Regional TF ELCAC6 at ang komunidad sa patuloy nitong pagsuporta sa mga tropa ng pamahalaan.

Binati din ni Ancan ang mga tropa ng JTF Spear sa kanilang sakripisyo para lamang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan ng Guihulngan City.

Samantala, ayon naman kay Col. Gerry Besana, Centcom U7, Civil Military Operations (CMO) chief, dahil sa mahigpit na binabantayan ng 303rd Bridage ang galaw ng mga NPA sa lugar kanilang na monitor ang presensiya ng mga CTGs sa lugar na nagtipon-tipon na posibleng naghahanda para sa pagdiriwang ng kanilang ika-52nd Anniversary.

“Probably, hindi ano yan, expected or anticipated kasi nga by next week, Monday ano na e anniversary nila at ang isa pang inaano natin, tinitingnan diyan is yung may plan kasi diyan tactical offensive sa area kasi alam mo naman Guihulngan nandiyan talaga, tradisyunal na ano yan e, tradisyonal na lugar ng mga NPA at the same time ang intension nila maboost yung moral ng mga cadre nila kasi maraming nasipagsurrender diyan,” wika pa ni Col. Besana.

Nilinaw naman ni Besana na ang lugar kung saan nakasagupa ng mga government troops ang nasa 40 miyembro ng NPA ay isang temporary encampment ng NPA.

Ayon kay Besana, sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operations laban sa mga remnants ng NPA.

“Its a decisive victory for the Joint Task Force Spear, kasi yan e…ang panawagan natin dyan sana ito aral ito sa mga naiiwan pang mga NPA dyan para, ang laki, ang dami daming binibigay na pagkakataon ng gobyerno para magbagong buhay sila,” pahayag ni Col. Besana.