-- Advertisements --

Sinibak ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang kaniyang commander-in-chief sa armed forces na si Valerii Zaluzhnyi.

Ito na ang malaking pagbabago ng pamumuno sa militar ng Ukraine mula ng sumiklab ang labanan nila ng Russia noong 2022.

Lumabas din ang usapin na nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Zelensky at General Zaluzhnyi.

Ipinalit naman nito sa puwesto si General Oleksandr Syrskyi.

Paglilinaw naman ng Ukrainian President na mananatili pa rin sa military ang sinibak na army chief para tuluyang labanan ang puwersa ng Russia.