Personal na binisita ni Philippine Army Commanding General Lt.Gen. Romeo Brawner ang anim na sundalong nasugatan sa nangyaring vehicular accident sa Masbate.
Kasalukuyang nagpapagaling sa Camp Elias Angeles Station Hospital sa Barangay San Jose, Pili, Camarines Sur.
Ang anim na sugatang sundalo ay mga miyembro ng 2nd Infantry “Second to None” Battalion (2IB) sa ilalim ng 9th Infantry “Spear” Division (9ID) ay nakatangga na ng pinansiyal na tulong mula sa Philippine Army.
Pinuri naman ni Brawner ang mga sundalo sa lakas ng kanilang loob na maka rekober mula sa aksidente.
Magugunita na nasa 14 na Army personnel ang sangkot sa aksidente na kinasangkutan ng isang KM450 military truck na bumangga sa isang cement truck.
Muling binigyan-diin naman ni Brawner ang kaniyang commitment na tiyakin ang kapakanan ng mga sundalo na siyang pinakamahalagang resource ng hukbo.