-- Advertisements --

Walong mga matataas na kalibre ng armas ang nadiskubri ng mga operating troops ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) sa may Sitio Kadkad, Barangay Pitogo, Calingalan Kaluang,Sulu bandang alas-7:30 kagabi.

Sa ulat na ipinarating ni Joint Task Force Sulu Commander BGen. Cirilito Sobejana sa Bombo Radyo, nakatanggap umano ng ulat ang mga sundalo kaugnay sa presensiya ng mga armadong ASG kaya agad na pinuntahan ng mga tropa ang lugar.

Sinabi ni Sobejana na isang ASG member na nakilalang si Apo Eting ang nagbabantay sa apat na M16 rifles at apat na M4 rifles na biglang tumakas sakay ng motorized banca.

Pinuri naman ni Sobejana ang mga tropa ng MBLT-3 sa pamumuno ni Lt Col. Ramil Densing.

Nagpasalamat din ang heneral sa mga local government units at sa mga sibilyan sa Calingalan Kaluang sa kanilang suporta at kooperasyon sa militar.

-- Advertisement --

Naniniwala si Sobejana na sa suporta ng LGUs at komunidad mas marami pang mga loose firearms ang mari rekober at mas maraming bandidong Abu Sayyaf ang ma neutralized.