Patay ang isang pinaghihinalaang komunista sa bakbakan ng kanilang hanay at militar sa Brgy. Arakan, Matalam, North Cotabato nitong Sabado.
Ayon kay Western Mindanao Command (WestMinCom) commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., armado ng baril at bala ang 12 kalalakihan na nakasalubong ng 62nd Division Reconnaissance Company sa bahagi ng Sitio Rodson, pasado alas-8:30 ng gabi.
Nakuhanan ng iba’t-ibang armas, bala at gamit ang hindi pa nakikilalang nasawi.
“Based on the initial report submitted by Brig. Gen. Capulong, the exchange of fire resulted in the death of one member and the recovery of one M16A1 rifle, three magazines, assorted ammunition, two cellular phones, and propaganda material,” ani Vinluan.
Matapos ang palitan ng putok, agad daw tumakas ang armadong grupo. Wala namang namatay o nasugatan sa hanay ng mga sundalo.
Patuloy na sinusuyod ng militar ang lugar para tuntunin ang mga sinasabing communist terrorists.