Ginawaran ng ‘heroes welcome’ ng mga taga Argentina sa pagdating ng kanilang football team matapos magkampeon sa 2022 FIFA World Cup.
Napuno ng tao ang paligid ng paliparan kung saan lumapag ang eroplanong sinakyan ng Argentinian football team.
Unang lumabas sa eroplano si football star Lionel Messi hawak ang trophy at isa-isang lumabas ang mga miyembro nila na naglakad sa red carpet.
Sa parada ng koponan ay napuno ng mga tao sa paligid ng kalsada na dinaanan ng bus kung saan nakasakay ang mga miyembro ng 2022 FIFA World Cup Champion.
Bukod pa sa pagsasayaw sa kalsada ay nagkaroon pa ng fireworks display.
Mananatili ang koponan sa Argentine Football Association’s training ground ng magdamag kung saan may ilang fans din nila ang natulog na sa labas.
Magugunitang tinalo ng Argentina ang France 4-2 sa pamamagitan ng penalty shootout sa finals ng FIFA World Cup na ginanap sa Qatar.
















