-- Advertisements --
ardern

Nagtalo sa harapan ng publiko sina New Zealand prime minister Jacinda Ardern at Australian prime minister Scott Morrison matapos pag-usapan ang paksa hinggil sa deportation ng mga Kiwi criminals.

Sa isang press conference, sinabi ni Ardern na kinakailangan nang tigilan ng Australia ang di-umnao’y ginagawa nitong pag-export sa mga kriminal pabalik ng New Zealand.

“Australia is well within its rights to deport individuals who break your laws, New Zealand does the same,” ani Ardern.

“But we have a simple request; send back Kiwis, genuine Kiwis. Do not deport your people and your problems.”

Ito’y matapos kanselahin ng Federal Government ang visa ng nasa 2,633 New Zealand nationals sa nakalipas na limang taon.

Dagdag pa ng New Zealand prime minister na ang iba na pinabalik ng New Zealand ay nasa murang edad pa para gumawa ng krimen habang ang iba naman ay walang koneksyon sa kanilang bansa.

“The success of these rehabilitation programs are reliant on a network of people, a network of family and they have none of those,” saad ni Ardern.

Binigyang-linaw din nito na hindi hinihakayat ng New Zealand ang Australia na wakasan na ang pinatutupad nilang patakaran ngunit luwagan lamang ito.

Iginiit naman ni Morrison na maninindigan ang kaniyang gobyerno sa kanilang desisyon at umaasa rin daw ang mga ito na makakakuha sila ng parehong pagtrato mula sa ibang bansa.